Huwebes, Nobyembre 14, 2013

4 GMA Shows at 3 Kapuso Personality, Nominado sa 18th Asian Television Awards 2013!

Noong ika-13 ng Nobyember ay opisyal nang inilabas ng Television Asia Plus ang mga nominado sa ika-labinwalong taon ng Asian Television Awards. Kabilang sa mga nominado ay apat na Kapuso shows at tatlong Kapuso Stars:


GMA News & Public Affairs Shows.

Para sa Best Natural History or Wildlife Program, nominado ang Born Impact: When Whales Strand. Ang Born Impact ay ang weekend edition ng Born to Be Wild na ilang beses na ring nagkamit ng parangal sa local man o international award giving bodies. Ang mga kasalukuyang host ng naturang show ay sina Doc. Ferds Recio at Doc. Nielsen Donato.

Dalawang News Program naman mula sa  GMA Network ang nominado para sa Best News Program Category. Ito ang 24 Oras at Saksi para sa pagbibigay balita nila sa dumaang bagyo na si bagyon Pablo. Noong taong 2010 ay muling nakasama sa listahan ng nominado ang 24 Oras para sa Maguindanao Massacre, bagamat hindi ito ag nag-uwi ng parangal ay Highly Commended naman ito.


Nominado rin ang GMA News & Public Affairs Show na Reporter's Notebook para sa kategoryan Best Current Affairs Program. Sina Jiggy Manicad at Maki Pulido ang host ng palabas.

Kapuso Stars.

Bukod sa apat na Kapuso shows ay may tatlo ring personalidad mula sa Kapuso Network ang nomnado. Para sa Best Actress in a Leading Role ay maglalaban sina Marian Rivera at Lorna Tolentino para sa award na ito. Nominado si Marian Rivera dahil sa kakaiba nitong pagganap bilang Angeline sa Philippine adaptation ng Korea series na Temptation of Wife samantala nominado rin sa Lorna Tolentino sa roleiya bilan Janice sa Pahiram ng Sandali kung saan ay nagkaroon siya ng maiklin May-December love affair sa rolena ginampanan naman ni Dingdong Dantes.

Mula sa drama, mapunta naman tayo sa comedy dahil sa pangalawang pagkakataon ay nomnado na naman ang Master in Disguise na si Michael V bilang Best Comedy Performance by an Actor/Actress para sa Bubble Gang. Noong 2009 ay Highly Commended rin si  Michael V sa nasabing kategorya.

Sumikat ngayong taon ang mga karakter ni Michael V sa Bubble Gang na Tatalino, Mr. Assimo at ag gustong-gusto ng lahat na si Donya Ina.


Awarding.

Sa December 5, 2013 gaganapin ang awarding sa Resort's World Sentosa, Compass Ballroom sa Singapore. Ilan sa mga bansang makakalaban ng Pilipinas ay ang mga bansang Singapore, China, Korea, Malaysia at marami pang iba.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento